Mga magsasaka sa Negros Occidental, tatanggap ng 320 ektarya ng lupa mula sa DAR

Inihayag ng pamunuan ng Department of Agrarian Reform (DAR) na umaabot sa 320 ektarya ng validated agricultural lands sa ilalim ng Support to Parcellation of Lands for Individual Titling o SPLIT Project na may kabuuang 158 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) ang matatanggap ng mga magsasaka sa Barangay Minoyan, Murcia, Negros Occidental.

Ayon kay DAR Secretary Conrado Estrella III ang SPLIT Project ay ang paghahati-hati ng mga lupain at ang pagbibigay ng indibidwal na titulo ng lupa sa mga ARB na dati nang ginawaran ng mga lupa sa ilalim ng Collective Certificates of Land Ownership Award o CCLOA.

Paliwanag pa ng kalihim na ang aktibidad na ito ay naaayon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa kanya na palakasin ang karapatan sapag-aari ng lupa ng mga ARBs sa buong bansa.


Sinabi naman ni Imelda Lazalita, Municipal Agrarian Reform Program Officer, na ang mga lupain na na-validate ay ang dating pinamamahalaan ng G.V. at Sons Incorporated, na sakop ang CCLOA Numbers 7433 at 7750, na sumasaklaw sa mahigit 23- at mahigit 297-ektarya ng lupa, ayon sa pagkakabanggit, kung saan mag-iisyu ng indibidwal na titulo sa 39 at 119 na kwalipikadong ARB.

Idinagdag pa ni Lazalita na nagkaroon din ng consultation meeting sa pagitan ng mga ARB at Field validation team para matiyak ang maayos na validation ng mga lupain.

Facebook Comments