Nasa 1,585 mga magsasaka mula sa bayan Narra at Aborlan ang magiging benepisyaryo ng bagong gawang Malatgao River Irrigation System at Post-Harvest Facilities na ipinatupad ng National Irrigation Administration (NIA) sa Palawan.
Sa inagurasyon ng mga pasilidad na ito, sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na inaasahang do-doble ang farm productivity ng mga magsasaka, lalo at layunin ng proyektong ito na mapataas ang ani ng palay sa mga bayan na itinuturing “rice granary” ng Palawan.
Ang post-harvest facilities ay makatutulong aniya sa mga magsasaka upang maiwasan ang pagkasayang ng kanilang mga palay, habang ang labindalawang bagong opisina ng irrigators association ay kanila namang magagamit para sa mahalagang pagpupulong.
Sinabi ni Nograles na isa ito sa mga hakbang ng pamahalaan upang payabungin at pagyamanin ang sektor ng agrikultura, hindi lamang para matiyak ang food sufficiency sa bansa, kundi upang makatulong na rin sa pagpapangat ng kita ng mga magsasaka.
Ang naturang proyektong ay pinondohan ng Japan International Cooperation Agency (JICA), at tinatayang aaboy sa higit 200 milyong pisong ang halaga.