MGA MAGSASAKA SA PANGASINAN, NAKATANGGAP NG HIGIT P144 MILYONG HALAGA NG AGRICULTURAL INTERVENTIONS

Nakatanggap ng higit P144 million o Php 144,487,401 na halaga ng agricultural interventions ang mga magsasaka sa una at ikaapat na distrito ng Pangasinan at mula ito sa Department of Agriculture – Ilocos Region.
Ang pamamahaging ito ay bilang paghahanda sa wet cropping season, ang Rice Banner Program ay nagbigay ng karamihan sa mga interbensyon na ito at ang mga ipinamahagi ay mga hybrid palay seeds, hand tractor, at pump at mga set ng makina.
Sa ilalim ng HVDCP, ang iba’t ibang samahan ng mga magsasaka sa unang distrito ay nakatanggap rin ng halaga ng interbensyon tulad na lamang pump at engine sets, plastic crates, vegetable seeds, plastic mulch, plastic drums, garden tools, at multi-cultivator.

Ang ikaapat na distrito naman ay nakatanggap ng pump at engine sets, plastic crates, vegetable seeds, plastic mulch, at plastic drums.
Sa ilalim naman ng National Urban and Peri-Urban Agriculture Program (NUPAP), ang Tangcarang Farmers and Irrigators Association of Alaminos City at Mangin Small Scale FA ay nabigyan ng sari-saring buto ng gulay, mga gardening tools, at mga plastik na drum para mapaunlad ang kanilang mga urban agriculture garden.
Ang Corn Banner Program ng DA ay nagbigay din ng anim na kooperatiba at asosasyon ng mga magsasaka mula sa parehong distrito na nakatanggap ng mga pump at engine set. |ifmnews
Facebook Comments