Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Mayor William Cezar, wala nang ‘middlemen’ sa mga ibinabagsak na produkto kaya nakatitiyak na mura at hindi nalulugi ang mga magsasaka sa pamamagitan ng naturang establisyimento.
Magsisilbi ring Training Center para sa mga magsasaka ang pasilidad upang patuloy na mapaangat ang kaalaman sa agrikultura at agribusiness.
Matatandaan na naging suliranin ng mga magsasaka sa bayan ang mataas na presyo ng pataba at farm inputs ngunit tinugunan gamit ang Fertilizer Discount Voucher.
Tiniyak ng alkalde na patuloy na nasolusyunan ang mga problemang kinakaharap ng sa sektor ng agrikultura tulad ng mataas na presyo ng palay at kakulangan sa patubig tuwing 2nd cropping season.
Isa ang bayan ng Rosales sa mga makikinabang sa ipapatayong Lower Agno River Irrigation System o LARIS Paitan Dam na inaasahang matatapos sa Disyembre 2027. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









