MGA MAGSASAKA SA SAN FABIAN, HINIKAYAT MAKIISA SA PAGTATAYA NG PINSALA SA MGA PANANIM

Nananawagan ang San Fabian Municipal Agriculture Office sa kooperasyon ng mga magsasaka sa bayan upang makiisa sa ginagawang assessment ng kabuuang pinsala na iniwan ng bagyo.

Ayon sa tanggapan, kinakailangan maitala ang kabuuang pinsala sa mga pananim partikular sa palay, mais, niyog, high-value crop at livestock.

Upang mas madaling maiparating sa tanggapan ang datos, maaaring isumite ang ulat mula sa mga magsasaka sa mga barangay council.

Layunin na matukoy ang kabuuang pinsala sa mga pananim upang makagawa ng komprehensibong ulat ang tanggapan at mailapit sa kaukulang ahensya ang mga apektadong magsasaka para matulungang makabangon.

Sa kasagsagan ng hagupit ng bagyo, isa ang San Fabian sa mga tinukoy ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na lubhang naapektuhan ng daluyong na dahilan ng mataas na tubig baha sa mga palayan at kabahayan.

Kaugnay nito, hinikayat din ng lokal na pamahalaan ang mga residente na magkaisa at bumangon mula sa pinsalang iniwan ng bagyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments