MGA MAGSASAKA SA SAN NICOLAS, TUMANGGAP NG TIG- P3,000 FUEL ASSISTANCE

Tumanggap ng P3,000 fuel assistance ang 87 magsasaka mula sa iba’t ibang barangay ng San Nicolas bilang tulong upang maibsan ang gastos sa pagsasaka.

Ayon sa lokal na pamahalaan, layon ng tulong na mapataas ang produksyon at mabawasan ang pasanin ng mga magsasaka sa gitna ng mataas na presyo ng produktong petrolyo.

Binigyang-diin sa distribusyon ang kahalagahan ng gasolina sa pagpapatakbo ng mga kagamitang pansaka.

Positibo naman ang mga benepisyaryo sa magiging epekto nito sa kanilang kabuhayan upang maging episyente at tuloy-tuloy ang kanilang kabuhayan.

Facebook Comments