Tumanggap ng makinaryang gamit sa pagsasaka na nagkakahalaga ng ₱1.3 milyon ang agrarian reform beneficiaries organizations sa Sultan Kudarat.
Bahagi ito ng pagsisikap ng gobyerno na mapabuti ang produksyon ng mga magsasaka sa gitna ng panahon ng pandemya.
Sinabi ni Department of Agrarian Reform (DAR) – Provincial Agrarian Reform Program Officer Rodolfo Alburo na ang mga makinang pangsakahan ay magpapataas ng produksyon ng mga bigas at kape sa lalawigan.
Abot sa 300 magsasaka ang makikinabang sa isang unit ng 35.5 horsepower farm tractor, rice harvester, industrial coffee grinder at isang hand tractor na may trailer.
Ang pagkakaloob ng mga makinaryang pangsakahan ay ipinatutupad sa ilalim ng Climate Resilient Farm Productivity Support (CRFPS) Project.