Mga magsasaka sa Western Visayas, mabibiyayaan ng halos 6-K titulo ng lupa bukas ayon sa DAR

Papalo sa mahigit 5,000 titulo ng lupa ang ipapamahagi ng Department of Agrarian Reform o DAR simula bukas.

Ayon sa DAR, ang pamamahagi ng electronic land titles (e-titles) ay isasagawa sa limang lalawigan sa Western Visayas.

Kabilang dito ang probinsiya ng Aklan, Antique, Capiz, Guimaras at Iloilo.

Pangungunahan ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III ang pamamahagi ng e-titles sa 5,837 agrarian reform beneficiaries (ARB) na gaganapin sa Pototan, Iloilo.

Sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP), ang bawat ARB ay puwedeng makakuha ng hanggang tatlong ektarya ng farm land.

Facebook Comments