Pumalo na sa halos 4,000 magsasaka ang apektado ng matinding El Niño sa bansa.
Ayon kay Presidential Communications Office Assistant Secretary for Radio at El Niño Task Force Spokesperson Joey Villarama, karamihan sa mga apektadong magsasaka ay nasa Western Visayas at Zamboanga Peninsula.
Kabilang aniya sa mga problemang kinahaharap ng mga ito ay ang pinsala sa mga produktong pang-agrikultura at kakulangan sa tubig.
Gayunpaman, sinabi ni Villarama na tuloy tuloy ang tulong na ibinibigay ng pamahalaan sa mga apektado ng El Niño, at pagsasaayos ng mga irigasyon.
Bukod aniya sa tulong pinansyal ay namamahagi na ang pamahalaan ng mga binhi na heat tolerant, at domestic animals.
Samantala, karamihan naman sa mga lugar na apektado sa Luzon ay nakatanggap na rin ng tulong mula sa National Irrigation Administration (NIA) at Department of Agriculture (DA).