Mga magsasakang biktima ng kalamidad, planong bigyan ng tulong pinansyal ng pamahalaan

Nasa 12-bilyong pisong rice financial assistance ang planong ipagkaloob ng Department of Agriculture o DA sa mga magsasaka na sinalanta ng kalamidad tulad ng bagyo.

Sinabi ito ni DA Undersecretary Leocadio Sebastian sa pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food na pinamumunuan ni Quezon Rep. Mark Enverga ukol sa produksyon at suplay ng bigas sa bansa.

Sabi ni Locadio, hinihintay na lamang nila ang approval ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para masimulan ang pamamahagi ng tulong sa mga magsasaka.


Samantala, sa pagdinig ay binigyang diin naman ni Locadio na kumikilos na sila upang mapabuti ang produksiyon ng bigas sa bansa at matigil na ang palaging importasyon.

Facebook Comments