Mga magsasakang inaresto sa Tarlac, hindi mga kriminal – kongresista

Iginiit ni ACT-Teachers Partylist Rep. France Castro na hindi mga kriminal at hindi mga terrorista ang 93 mga magsasaka at land reform advocates na inaresto ng Tarlac Police kamakailan.

Kasabay nito ang mariing pagkondena ng kongresista sa mass arrest at labag sa batas na paghuli ng mga awtoridad sa mga ito.

Agad na idine-demand ng teacher solon ang pagpapalaya sa mga nakakulong ngayon na magsasaka at aktibista.


Giit ni Castro, ang mga inarestong magsasaka at advocates ay simpleng nakikilahok lamang sa isang “farming activity” o bungkalan na bahagi ng isang kampanya para labanan ang kagutuman sa bansa.

Iginiit pa ng progressive representative na ang lupa kung saan sila nagsagawa ng aktibidad ay sa 2 ektarya na iginawad sa agrarian reform beneficiaries sa pamamagitan ng Comprehensive Agrarian Reform Program.

Facebook Comments