Nananawagan ang pamunuan ng City Agriculture Office ng Lungsod ng Cauayan sa lahat ng mga magsasaka na natanggal sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture o RSBSA na muling magpatala para ma-update at mapabilang pa rin sa listahan ng Department of Agriculture (DA).
Sa ating panayam kay City Agriculture Officer Engr. Ricardo Alonzo, sinabi nito na nagkaroon ng system loss sa system generated ng Department of Agriculture (DA) kaya ilan sa mga pangalan ng mga magsasaka ay naalis sa listahan.
Ayon kay Alonzo, libu-libong pangalan ang natanggal sa listahan dahil sa nangyaring aberya at kabilang umano siya sa mga nawala sa generated system ng DA.
Payo naman nito sa muling mag-eenrol na magtungo lamang sa kanilang tanggapan para maproseso at maipasok muli ang pangalan.
Paalala rin sa mga magpapatala na dapat updated ang ilalagay na larawan sa RSBSA form para makaiwas sa disqualification.
Facebook Comments