Mga magsasauli ng signature firm ng PI, hindi obligadong magpaliwanag – COMELEC

Nilinaw ng Commission on Elections (COMELEC) na hindi obligado ang mga nagsumite ng People’s Initiative (PI) signature na magbigay ng paliwanag.

Ito’y kung babawiin nila sa COMELEC ang mga ipinasang signature form.

Ayon sa COMELEC, optional lamang o kahit hindi na na magpaliwanag para sa pagbawi ng pirma.


Giit pa ng COMELEC, tatanggapin pa rin nila ang mga withdrawal forms may paliwanag man ibibigay o wala.

Ito ang naging tugon ng COMELEC matapos mapuna ng ilang mga senador ang mga withdrawal form na nakasaad ang paliwanag ng mga babawi ng pirma kungvsaan karapatan ng nagsumite na bawiin ang mga ipinasang signature forms.

Kaugnay nito, wala pang sumunod sa isang bayan sa Antique sa pagbawi ng pirma habang suspendido pa rin ang anumang proseso sa PI simula noong Enero.

Sa pahayag pa ng COMELEC, magre-resume lang ang proseso sa PI kung buo na ang kanilang bagong guidelines para dito.

Facebook Comments