Manila, Philippines – Dagsa sa mga pantalan, paliparan atmga terminal na bus ang mga pasaherong magsisi-uwian sa kani-kanilang probinsyapara sa paggunita ng Semana Santa.
Sa interview ng RMN kay Manila International AirportAuthority General Manager Ed Monreal – nananatiling normal ang operasyon sa mgapaliparan, bagamat unti-unti nang nagkakaroon ng pila sa mga counter.
Sa kabila naman ng isyu ng mass leave ng mga empleyado ngBureau of Immigration, tiniyak ni Monreal na mayroong naka-standy na mahigit300 additional augmentation personnel ang B-I.
Kung sa paliparan ay normal pa ang operasyon fully bookednaman na ang lahat ng mga air-conditioned buses sa mga terminal.
Ngayong araw ay ininspeksyon ni PNP Chief Dir. Gen. RonaldDela Rosa ang mga bus terminal sa Metro Manila.
Tinignan ni Dela Rosa ang mga inilatag na seguridad parasa mga biyahero.
Kontento rin ito sa isinagawang bomb threat simulationexercise sa Araneta Center Bus Terminal.
Samantala, sa kabila ng naganap na lindol sa Batangas,dagsa pa rin ang mga bakasyunista.
Ayon kay Batangas port manager Leopoldo Biscocho – kasadona ang kanilang inihandang preparasyon sa pagdagsa ng mga pasahero.
Sa pagtataya ng Philippine Ports Authority, nasa 23,000pasahero na ang dumagsa sa Batangas port, 135,000 naman ang naitalang pasaherosa NAIA at aabot sa 8,000 passengers sa mga bus terminal sa Araneta Center.
Mga magsisi-uwian sa mga probinsya ngayong mahal na araw – dagsa na sa mga paliparan, pantalan at terminal ng bus….PNP Chief Gen. Bato – inispeksyon ang mga bus terminals sa Metro Manila
Facebook Comments