MGA MAGSISILBI SA HALALAN 2022 SA DAGUPANCITY, HINIKAYAT NA MAGPA-BOOSTER SHOT NA

Hinikayat ni Dagupan City Mayor Marc Brian Lim ang mga indibidwal na magsisilbi sa Halalan 2022 na magpa-booster shot na kontra COVID-19.

Aniya, nakatakdang dumating ang City Procured na 23,000 doses ng Astrazeneca sa mga susunod na linggo na nakatakdang iturok sa mga pulis, COMELEC personnel at mga guro na nangangailangan ng booster shot.

Preparasyon aniya ang pagtuturok ng booster shot para sa papalapit na halalan sa susunod na taon.


Dagdag nito, mainam na agad na silang mabigyan ng booster shot dahil na rin sa banta ng Omicron variant.

Samantala, asahan na mas maraming bakuna pa ang darating sa lungsod upang magkaroon ng proteksyon laban sa sakit. | ifmnews

Facebook Comments