Mga magsisilbing electoral board para sa October 2023 BSKE, walang increase na matatanggap sa honoraria

Kinumpirma ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Garcia na hindi na makatatanggap ng dagdag na kabayaran ang mga magsisilbing electoral board para sa October 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSK Elections).

Sa budget hearing sa Senado, ang P10 billion na hiling para sa dagdag na honoraria ay ibinaba sa P2.7 billion.

Dahil dito, hindi na maibibigay ang hirit na P10,000, P9,000 at 6,000 na honoraria at mananatili ang bayad sa electoral board sa P6,000, P5,000, P4,000 at dagdag na P1,000 na transportation allowance.


Una na kasing sinabi ng mga senador na masiyadong malaki ang hinihingi ng COMELEC.

Dahil limitado ang pondo, gagawing 600 ang botante sa kada presinto at mas maiksi ang voting hours na gagawing mula alas7:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.

Facebook Comments