Mga magsisipagtapos, pinayuhan ni Sen. De Lima na labanan ang kasinungalingang lumalaganap sa bansa

Manila, Philippines – Mula sa kanyang detention cell aynaglabas ng sulat kamay na mensahe si Senator Leila De Lima para sa lahat ngestudyanteng magsisipagtapos.

 
Hiling ni De Lima sa mga graduates, magsilbi ang mga itona bukal ng tamang impormasyon sa kapwa, lalo na sa social media.

 
Sa harap aniya ito ng paglaganap ngayon ng paghahasik ngkasinungalingan sa ating bayan.


 
Umaasa din si De Lima, na mangibabaw sa mgamagsisipagtapos ang pagpapahalaga sa katapatan at pananagutan sa halip namagpadala sa mga tukso ng mga ganid sa pera at kapangyarihan.

 
Umapela din si De Lima sa mga gradiates na makilahok sapagtataas ng antas ng pampublikong diskurso, at sa panawagang hindi na dapatmaulit ang malupit at mapaniil na diktadurya.

 
Hangad ni Sen. De Lima na magampanan ng mgamagsisipagtapos ang kanilang tungkulin hindi lamang sa sarili at pamilya, kundimaging sa ating bansa.

 Ito aniya ay isangdaan para maipapamana sa susunod na henerasyon ang isang makatao atmakatarungang lipunan.

Facebook Comments