MGA MAGSISITAPOS NA KOLEHIYO SA SANTIAGO CITY, TATANGGAP NG CASH GIFT

CAUAYAN CITY- Makakatanggap ng graduation cash gift ang mga college students sa Lungsod ng Santiago.

Sa datos na inilabas ni City Mayor Atty. Sheena Tan, 1,085 na college students ang mabibibgyan ng cash gift ngayong araw ika-3 ng Oktubre sa Bulwagan ng Mamamayan, City Hall, San Andres, Santiago City.

Ang programang ito ay bahagi ng Kaisaka sa Edukasyon at Literasiya na naglalayong tulungan ang mga mag-aaral sa Lungsod ng Santiago.


Samantala, pinapaalalahanan naman ang mga benepisyaryo na dalhin ang mga kaukulang dokumento katulad ng orihinal na kopya ng cedula at photocopy ng School ID.

Facebook Comments