Mga magtatangkang manuhol kay BuCor Chief Gerald Bantag, kakatayin!

Nagbanta si Bureau of Corrections (BuCor) Director Gerald Bantag na kakatayin niya ang sinumang manunuhol sa kanya.

Babala ni Bantag, huwag siyang subukang suhulan dahil magiging hindi magiging maganda ang sasapitin nila sa kanya.

Nais din ni Bantag na kumuha ng mga tauhan sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) dahil 95% ng mga tauhan sa bilibid ay corrupt.


Ipagbabawal din niya ang paggamit ng cellphone, maging sa mga empleyado ng BuCor.

Hindi rin siya mag-aahit ng balbas hangga’t hindi naaayos ang kawanihan.

Umaasa si Bantag na sa loob ng tatlong buwan ay may makikitang pagbabago sa BuCor.

Facebook Comments