Mga magtatapos ng agricultural courses, pagkakalooban ng DAR ng tig-3 ektaryang lupang sakahan

Nangako ang Department of Agrarian Reform (DAR) na pagkakalooban ng tig-tatlong ektaryang lupang sakahan ang mga magtatapos ng agricultural courses.

Layon ng DAR na mabigyan ang mga ito ng magandang simula at magamit ang kanilang propesyon sa kanilang bukirin.

Naniniwala si Agrarian Reform Secretary John Castriciones na magbibigay rin ng sigla ang insentibo para makamit ang food security ng bansa.


Ang alok para sa mga magtatapos ng kursong agrikultural ay inanunsyo ni Castriciones ng mamahagi ito ng Certificates of Land Ownership Award sa mga agrarian reform beneficiaries sa Barangay Bantay, Boac, Marinduque.

Layon din nito para mahimok ang mga kabataan na yakapin at mapalakas ang sektor ng pagsasaka .

Ipinakita sa pag-aaral na maraming kabataan ngayon ay mas gustong kumuha ng non-agricultural courses dahil sa paniniwala na walang kasiyahan sa pagsasaka.

Pinangangambahan ng DA-Agricultural Training Institute na makaroon ng kakulangan ng mga magsasaka ang bansa sa susunod na 15 taon kung magpapatuloy ang kalakaran.

Facebook Comments