Mga magtutungo ng Quaipo Church, pinapayuhan pa rin na magsuot ng face mask

Dinagsa ng mga deboto ang misa sa Quaipo Church ngayong unang Biyernes sa buwan ng Nobyembre.

Nasa 100% ang capacity na ipinapatupad sa loob at labas ng simbahan kung saan mahigpit pa rin ipinapatupad ang physical distancing.

Nabatid na bagama’t boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face mask lalo na sa open area, pinapayuhan pa rin ang mga deboto na magsuot nito.


Giit ng pamunuan ng Quaipo Church, maigi pa rin na mag-ingat lalo na’t may banta pa rin ng COVID-19 sa bansa.

Nagtutulong-tulong naman ang mga tauhan ng barangay, Hijos del Nazareno at Manila Police District (MPD) Station-3 para masigurong maipapatupad ng maayos ang seguridad at health protocols kontra COVID-19.

Facebook Comments