Mga magtutungo sa sementeryo, may payo ang DOH

Manila, Philippines – Pinaalalahanan ng Department of Health ang publiko para sa mga dapat isaalang alang ng mga magtutungo sa sementeryo ngayong undas.

Ayon kay DOH Spokesperson Dr. Lyndon Lee Suy, kung maari ay huwag ng magtungo sa sementeryo ang mga buntis, nakatatanda at may iniindang karamdaman dahil tiyak na mainit at siksikan sa mga libingan ngayong undas.

Dagdag pa ni Lee Suy na kung hindi maiiwasan, dapat magdala ng gamot tulad ng mga may maintenance drugs at magsuot ng Face Mask kung may sakit.


Pinayuhan din nito na magsuot ng preskong damit at magdala ng pamalit at bimpo ang mga magpupunta sa mga sementeryo bukod pa sa pagbibitbit ng pamaypay at pananggalang sa init at ulan.

Paliwanag ni Lee Suy upang makaiwas din anya sa dehydration kailangang magdala ng tubig lalo na at malayo ang nilalakad sa sementeryo.

Giit pa ni Lee Suy na huwag bumili ng pagkain kung hindi tiyak na malinis ang pagkakaluto kaya mas makabubuting magbaon na lamang pero dapat tiyaking hindi mabilis mapanis.

Facebook Comments