Manila, Philippines – Tinawag na anti-poor ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang panukalang Asin Tax o pagpataw ng buwis sa mga pagkaing may asin dahil tiyak na mas maraming mahihirap na Pilipino ang magugutom.
Giit ni Zarate, mas maraming mga Pilipino ang tiyak na magugutom sa pagpapataw ng Asin Tax sa halip na magiging malusog.
Babala ng mambabatas magmamahal na kasi ang sardinas at noodles na karaniwang binibili ng mga mahihirap.
Ang konsumo ng isang tao sa pagkain na may asin ay hanggang 500mg lamang at ang sosobra dito ay papatawan na ng buwis.
Dahil piso sa kada-milligram ang ipapataw sa mga pagkaing may sodium content, ang isang cup noodles na may 990 mg na sodium content ay magiging P490 pesos at ang sardinas na may 610mg sodium content ay aabot na ng 110pesos.
Giit ng mambabatas, kung talagang kalusugan ng mga Pilipino ang layunin ng gobyerno ay maraming panukala na dapat ipasa tulad ng pagbabawal ng mga junk foods sa mga paaralan at pagpapataw ng price control sa mga pagkain upang maging abot kaya ng mga mahihirap.