Mga magulang at estudyante, suportado ang Oct. 5 school opening – DepEd

Ipinaaabot ng mga magulang at mga estudyante sa Department of Education (DepEd) ang kanilang suporta sa muling pagbubukas ng klase sa October 5 sa kabila ng mga hamon ngayong school year.

Ayon kay Education Undersecretary and Spokesperson Annalyn Sevilla, nagpapasalamat sila sa mga kinatawan ng iba’t ibang student organizations at parent teacher organizations na ipinahayag ang kanilang pananaw patungkol sa pagbubukas ng klase.

Kinikilala rin nila ang efforts ng mga grupo sa pagpatutupad ng Basic Education Learning Continuity Plan (BE-LCP) ngayong School Year (SY) 2020-2021.


Sa “Handang Isip, Handa Bukas” Press Conference, inilatag ng students at parents’ representatives ang kanilang iba’t ibang inisyatibo sa pagsuporta sa pagbubukas ng klase sa susunod na buwan.

Facebook Comments