Mga magulang at iba pang mahal sa buhay ng PMA cadets, bawal sa graduation ceremony

Hindi isasapubliko ang graduation ceremony ng Philippine Military Academy “Masidlawin” Class of 2020.

Ayon kay PMA Superintendent, Vice Admiral Allan Ferdinand Cusi, dahil sa sitwasyon ng bansa dulot ng COVID-19, maging mga magulang, kamag-anak, kaibigan at mga mahal sa buhay ng mga kadete ay hindi pinapayagang dumalo sa graduation rites.

Paliwanag ni Cusi, napagdesisyunan ito ng mga opisyal ng PMA batay na rin sa paghingi ng konsultasyon sa Department of Health (DOH) at sa pamunuan ng AFP.


Binigyang diin ni Cusi na alam niya kung gaano kasakit para sa mga magulang ng mga kadete ang kanilang desisyon pero kailangan aniya ito para masiguro ang kaligtasan ng buong Corps of Cadets at PMA community mula sa COVID-19.

Ayon kay PMA Spokesperson Majot Cheryll Tindog, isang simpleng private ceremony na lang ang gagawin nila ngayong hapon.

Facebook Comments