Mga magulang at opisyal ng Ateneo, may pananagutan sa viral video

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na may pananagutan ang mga magulang at opisyal ng paaaralan sa viral video ng pambu-bully ng estudyante ng Ateneo de Manila Junior High School sa kapwa niya estudyante.

Ayon kay Guevarra, responsibilidad ng paaralan at ng mga magulang ng nambugbog na resolbahin ang insidente lalo pa at ang “bullying” ay isyu ng kawalan ng “maturity” na dapat ay tinututukan.

Paliwanag pa ni Guevarra, seryosong usapin ang “bullying” na nagaganap mapapubliko o pribado mang paaralan.


Nang tanungin naman sa kung dapat bang mapatalsik sa Ateneo, tumangging magbigay ng komento si Guevarra.

Una nang sinabi ng Department of Education (DepEd) na tatlong beses na nasangkot sa issue ng bullying ang estudyante.

Facebook Comments