Mga magulang, dapat turuan ang mga anak na maging tapat habang nasa distance learning – DepEd

Iginiit ng Department of Education (DepEd) na magandang panahon ngayon para turuan ng mga magulang ang mga estudyante ng katapatan.

Ito ang sinabi ni Education Secretary Leonor Briones habang natututo ang mga estudyante sa ilalim ng distance learning ngayong school year.

Ayon kay Briones, mayroong mga adjustments na kailangang gawin habang sumasailalim ang mga estudyante sa home-based learning.


Para sa kalihim, may responsibilidad ang mga magulang na matiyak na hindi lamang natututo ang kanilang mga anak sa aralin kundi maging ang ilang values tulad ng honesty at iba pa.

Dagdag pa ni Briones, ang grado sa mga estudyante ngayong taon ay hindi ibabase sa examination pero sa mga isusumiteng projects at portfolios.

Nagiging “societal issue” na ang paggawa ng mga magulang o nakatatanda sa school work ng mga bata at malaking hamon pa rin ito hindi lamang sa DepEd kundi maging sa buong sistema ng edukasyon.

Binigyang diin ni Briones na walang nakukuhang aral ang estudyante kung iba ang gumagawa ng school work nito.

Hinimok ng DepEd ang mga magulang na turuan lamang ang mga anak pero hindi sila dapat ang sasagot ng workbook ng mga ito.

Facebook Comments