Mga magulang, hindi dapat ipinapa-ampon ang mga anak dahil lamang sa kahirapan – DSWD

Nanawagan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko lalo na sa mga magulang na huwag ipa-ampon ang kanilang mga magulang dahil lamang sa kahirapan.

Ito ang pahayag ng kagawaran dahil may ilang magulang ang nagdadalawang-isip na ilagay ang kanilang anak sa child-caring facility o adoption organizations.

Ayon kay DSWD Program Management Bureau Director Wilma Naviamos, hindi dapat itinuturing na sagabal ang kahirapan.


Mahalagang maranasan ng isang anak na mamuhay sa isang pamilya.

Pinayuhan ni Naviamos ang mga mahihirap na pamilya na humingi ng tulong sa DSWD offices o social welfare offices.

“Mayroon tayong community-based services at direct intervention, social welfare intervention sa ganitong pamilya at bibigyan po natin sila ng tulong para maging resort na ang pag-give up sa bata,” sabi ni Naviamos.

Paalala pa ng DSWD sa mga magulang gustong mag-ampon ng bata na gawin ang legal adoption sa halip na makipagtransaksyon sa social media pages na talamak ang illegal adoption.

Facebook Comments