Mga magulang, hinikayat na pabakunahan ang mga anak ngayong World Immunization Week

Hinimok ng Department of Health (DOH) ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak sa tatlong buwang catch-up vaccination drive laban sa vaccine-preventable disease (VPDs) ngayong ginugunita ang World Immunization Week.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, layon ng malawakang catch-up vaccination drive na ito na mabakunahan ang halos 1.1 million na mga bata na hindi nakumpleto ang routine immunization.

Aniya, ang “Chikiting Bakunation Days” ay isasagawa tuwing Huwebes at Biyernes mula ngayong Abril hanggang Hunyo.


Kabilang sa kanilang libreng bakuna na ibibigay sa mga bata ang pentavalent vaccine laban sa diphtheria, pertussis, tetanus, hepatitis B, at haemophilus influenzae type B; oral polio vaccine (OPV); at pneumococcal conjugate vaccine (PCV).

Facebook Comments