Mga magulang na pumayag na maging alay ang kanilang mga menor de edad na anak kay Quiboloy, papanagutin ng PNP

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na mananagot ang mga magulang na pumayag para maging alay ang kanilang menor de edad na anak kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Apollo Quiboloy.

Ayon kay PNP-Public Information Office (PIO) Chief PCol. Jean Fajardo, naniniwala kasi ang mga ito na ang Diyos ang kanilang pinagsisilbihan at ito ang kanilang ‘passes to heaven.’

Sa ngayon, patuloy na kumakalap ng impormasyon ang PNP at patuloy din aniya ang pagdami ng mga complainants o mga biktima nang pangmomolestiya ni Quiboloy ang lumalapit sa kanila para magsumbong.


Kasunod nito, tiniyak ng Pambansang Pulisya na ligtas na ang mga biktima na pawang mga takot at traumatized.

Una nang ibinunyag ng mga biktima na hahabulin sila ng “Angels of Death” kapag nagkwento sila ng karanasan sa mga kamay ni Quiboloy kung saan ppwede silang mapahamak o di naman kaya ay mapahamak ang kanilang kamag-anak o mahal sa buhay.

Facebook Comments