Sumugod at nagsagawa ng kilos-protesta ang mga magulang ng mga batang mag-aaral ng President Corazon Aquino Elementary School sa unang araw ng klase para kalampagin ang Department of Education (DepEd) tungkol sa kanilang problema sa distance learning.
Kinalampag ng mga miyembro ng mga militanteng kababaihang suot-suot ang uniporme, ang ilan sa halos sampung mga kababaihan na kasapi ng grupong Gabriela ay nanawagan sa pamahalaan upang tugunan ang mga problema sa distance learning.
Ayon sa mga kababaihan na nagsagawa ng kilos-protesta, ang distance learning ay malaking pahirap at dagdag problema umano na sa halip na ilaan na lamang ang gastusin ay sa pambayad pa ng internet napupunta na kung minsan ay pahirapan pa ang magkonekta.
Paliwanag ng mga magulang, dahil sa maraming modules ay nahihirapan na umano silang magturo sa kanilang mga anak
Hindi naman masagot ng mga nagpakilalang grupo ng Gabriela kung sakaling magkahawaan ng COVID-19 sa mga paaralan kung ibabalik ang face-to-face classes sa Pilipinas.