Mga magulang ni Castillo, haharap sa pagdinig ng Senado

Manila, Philippines – Ala-sais ngayong gabi, itinakda ang pagdinig ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs ukol sa hazing at pagkamatay ng freshman UST law student na si Horacio Castillo III.

Ayon sa chairman ng komite na si Senator Panfilo Ping Lacson, pangunahing imbitado ang mga magulang ng biktima, gayundin ang mga opisyal ng University of Sto Tomas.

Ilang minuto pa lang ang nakakalipas ay dumating na rin dito sa Senado para humarap sa pagdinig si John Paul Solano na bantay-sarado ng mga tauhan ng Manila Police District o MPD.


Si Solano na siyang nagdala kay castillo Sa ospital ay sumuko kay Senator Lacson noong Biyernes at agad siyang itinurnover kay MPD chief Supt. Joel Coronel.

Umaasa si Lacson na tutuparin ni Solano ang pangako nito na sasabihin sa pagdinig ang lahat ng nalalaman ukol sa hazing na isinagawa ng Aegis Juris Fraternity kay Castillo na naging sanhi ng kamatayan nito.

Ayon kay lacson, in aid of legislation ang pagdinig kaya target nitong mapagbuti at maitama ang mga kahinaan ng umiiral na anti-hazing law.

Facebook Comments