Manila, Philippines – Umapela kina Senadora Risa Hontiveros at Caloocan Bishop Pablo Virgilio David ang mga magulang ni Kian Loyd delos Santos na ibigay na sa Public Attorney’s Office ang kustodiya sa limang magkakapatid na Concepcion.
Ang magkakapatid na Concepcion ang saksi sa sinasabing pagpatay kay Kian ng mga pulis ng Caloocan.
Ayon sa mag-asawang Lorenza at Saldy delos Santos, ang pagbibigay ng kustodiya ng mga testigo sa PAO ang makakapagpabilis sa pag-usad sa kaso ng pagpatay sa kanilang mga anak.
Samantala, tiniyak ng Public Attorney’s Office na malakas pa rin ang kanilang kaso laban sa apat na pulis ng Caloocan kahit na hindi makipagtulungan ang magkakapatid na Concepcion.
Facebook Comments