Mga magulang ni Kian Loyd delos Santos, dumating sa DOJ para sa pagsasailalim sa kanila sa Witness Protection Program

Manila, Philippines – Dumulog ngayong hapon sa Department of Justice ang mga magulang ni Kian Loyd delos Santos.

Ito ay para mag-apply sa Witness Protection Program ng DOJ.

Ayon kay Secretary Vitaliano Aguirre II, patunay lamang ito na may tiwala sa kanya at sa DOJ ang mag-asawang Sandy at Lorenza delos Santos.


Indikasyon din aniya ito na kumpiyansa ang mga magulang ni Kian na sa gagawing imbestigasyon ng DOJ sa pagkakapatay ng mga pulis-Caloocan sa Grade 11 student.

Facebook Comments