Mga magulang nina Alex at Toni Gonzaga, vlogger na rin!

Sinundan na rin ng mag-asawang Bonoy at Pinty Gonzaga ang yapak ng kanilang mga anak na sina Alex at Toni Gonzaga sa pagba-vlog.

Sa Instagram post ni Alex, opisyal na inanunsyo nito na may YouTube channel na rin ang kanyang Daddy Bonoy at Mommy Pinty.

Say ni Alex, proud daughter siya dahil sa loob lamang ng 24-hours simula ng ilabas ang unang video ng kanyang mga magulang ay mayroon na agad silang silver play button.


Simula kasi ng buksan ang kanilang vlog ay umabot agad sa 354k ang kanilang subscribers habang nasa 1 million na ang views ng kanilang unang video na talaga namang kinakaaliwan ng mga netizen.

Facebook Comments