MGA MAGULANG, PINAALALAHANAN KASUNOD NG MULING PAGSISIMULA NG SUMMER VACATION

Nagbigay-paalala ang San Jacinto Municipal Police Station sa mga magulang sa Pangasinan kasunod ng muling pagsisimula ng summer vacation sa susunod na buwan.

Binigyang-diin ang mga inaasahang dadayo sa mga pook-pasyalan tulad sa mga dagat, ilog at iba pa upang maligo lalo ngayong nararanasan ang mainit na panahon.

Inihayag ni San Jacinto MPS Deputy for Operation PCpt. Sherwin R. Sinang ang pagbabantay sa mga anak sa tuwing dadayo ang mga ito sa mga kailugan.

Samantala, tiniyak naman ng himpilan na nakahanda na ang mga ito upang mapanatili ang kaayusan at seguridad sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments