MGA MAGULANG, POSIBLENG MANAGOT SA PAGLABAG NG MGA MENOR DE EDAD SA CURFEW

Maaaring pasanin ng mga magulang o guardian ng mga menor de edad ang multa o pananagutan sa paglabag sa itinakdang curfew ayon sa kampanya ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ayon sa tanggapan, mapupunta sa responsibilidad ng mga magulang ang parusa ng mga anak na menor sakaling hindi masunod ang Community Service na ipapataw ng barangay sa mga lalabag sa curfew.

Ang mga magulang at guardian din ang nararapat na sumundo sa nahuling menor bilang responsable sa pag-uwi at pangangalaga ng bata.

Bahagi ito ng direktiba ng DILG para sa mas malawak na “Safer Cities” initiative na layong bawasan ang krimen at mga panganib sa bansa.

Sa ilalim nito, hindi na pinapayagan ang mga kabataan na wala pang 18 taong gulang na gumala sa mga lansangan pagpatak ng 10:00 ng gabi, kung hindi sila nag‑aaral o nagtatrabaho at hindi kasama ang kanilang magulang o guardian.

Ayon sa kampanya, ang mga patakarang ito ay hindi lamang para sa disiplina, kundi para rin sa seguridad at kapayapaan ng mga komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments