Mga magulang sa lungsod ng Maynila, muling pinapaalalahanan na pabakunahan na ang kanilang mga anak

Patuloy ang panawagan ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa mga magulang na pabakunahan na ang kanilang mga anak na may edad 5 hanggang 11 taong gulsng.

Ang paalala ay bilang proteksiyon kontra COVID-19 lalo na at isasailalim na bukas, March 1, 2022 sa Alert Level 1 ang National Capital Region at 38 pang lugar sa bansa.

Bae sa datos ng Manila Health Department, ang bilang ng mga batang nasa edad 5 hanggang 11 taong gulang na tumanggap ng unang dose ay nasa 28,923, kaya patuloy na hinihimok ng pamahalaang lungsod ang mga magulang na iparehistro ang kanilang mga anak upang mabakunahan.


Bukod dito, umaabot na sa 275,582 ang bilang ng mga edad 12 hanggang 17 taong gulang na nakapagpabakuna laban sa COVID-19 lung saan 143,316 ang unang dose at 132,266 ang ikalawang dose.

Tuluy-tuloy pa rin naman ang pagbabakuna sa mga kabataan na ginagawa sa Manila Zoo, Bagong Ospital ng Maynila, sa apat na mall sites at anim na community sites.

Facebook Comments