Nagpaalala si Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque sa mga mag-vivideoke na kung maaari ay huwag tanggalin ang face mask kahit ang mga ito ay kumakanta.
Ito ay kasunod ng pagbaba na sa Alert level 2 ng Metro Manila kung saan mas marami pang negosyo ang pinahihintulutang makapagbukas kasama na ang mga karaoke o videoke bars.
Ayon kay Roque, bahagi lamang ito ng pag-iingat upang hindi maging super spreader event ang mga videoke bars.
Sa ilalim ng Alert level 2, pinapayagang makapag-bukas ulit ang mga karaoke bars hanggang sa 50% capacity basta’t mga bakunado lamang ang papayagang customer pati mga empleyado.
Giit pa nito, mas mainam na kung sa bahay na lamang kumanta kasama ang pamilya.
Nakagawian na kasi ng mga Pilipino ang pagkanta sa videoke bars kasama ang mga kaibigan at pamilya lalo na kapag holiday season.