Mga mahihirap na apektado ng pinahigpit na community quarantine, dapat bigyan ng dagdag na ayuda

Umapela si Senator Christopher “Bong” Go kay Pangulong Rodrigo Duterte, Finance Secretary Carlos Dominguez III, Budget Secretary Wendel Avisado at iba pang kinauukulang ahensya ng gobyerno.

Ito ay para mapagkalooban ng dagdag na ayuda sa pamamagitan ng expanded Social Amelioration Program (SAP) ang mga mahihirap na Pilipino na apektado ng pinahigpit na community quarantine laban sa COVID-19.

Pakiusap ni Go, magtulungan ang lahat sa pamahalaan para mahanapan ng paraan na mabigyan ng dagdag na ayuda ang lahat ng mga mahihirap na nangangailangan lalo na ang mga nawalan ng trabaho o kabuhayan.


Umaasa si Go na hindi lang ito para sa mga mahihirap sa National Capital Region (NCR) kundi sa buong Pilipinas.

Kaugnay nito ay nanawagan si Go sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tukuyin kung gaano karami sa buong bansa ang dapat mabigyan ng dagdag na social amelioration para madetermina kung magkano ang kakailanganing pondo.

Giit ni Go, ayusin na agad ang listahan ng mga benepisyaryo at siguraduhing magagamit ang pondo nang tama at walang masasayang upang makarating ang tulong ng gobyerno kahit sa malalayong lugar sa bansa.

Facebook Comments