Mga mahihirap na estudyante, pinabibigyan ng isang kongresista ng diskwento sa matrikula, school supplies at iba pang gamit sa eskwela

Pinabibigyan ni Bicol Saro Party-list Representative Brian Raymund Yamsuan ang mga mahihirap na estudyante ng 5% na diskwento sa matrikula, school supplies, electronic devices, libro at iba pang gamit sa eskwela gayundin sa gamot at pagkain.

Sa inihaing House Bill 1850 ay kasama rin sa hirit ni Yamsuan ang diskwento rin sa entrance fees sa mga museo, teatro, at cultural events na saklaw ng National Commission on Culture and the Arts.

Inaatasan ng panukala ng Department of Education, Technical Education and Skills Development Authority at Commission on Higher Education na tumukoy st mag-isyu ng ID para sa magiging benepisaryo ng panukala.


Kabibilangan ito ng mga mga estudyante sa basic education, technical vocational at kolehiyo.

Tugon ang panukala ni yamsuan sa datus ng Philippine Statistics Authority na aabot sa 7.8 milyong Pilipino o 1 sa kada limang Pilipino na edad 5 hanggang 24 ang hindi nakapag-aral noong 2022-2023 dahil sa iba’t ibang rason tulad ng malaking gastos at problemang pinansyal.

Facebook Comments