Mga mahihirap, walang pakinabang sa isinusulong na Cha-Cha term extension

Iginiit ni Assistant Minority Leader and Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas na anti-poor o hindi pakikinabangan ng mga mahihirap ang isinusulong na Charter Change (Cha-Cha) na layuning pahabain ang termino ng kasalukuyang mga halal na opisyal sa bansa.

Diin ni Brosas, pinag-ibayong serbisyo ang kailangan ng mamamayan at hindi ang term-extension ng mga nakaluklok sa pamahalaan.

Hiling ni Brosas sa Kongreso, iprayoridad ang mga panukala na nagtataas sa sweldo ng mga manggagawa at magpapababa sa presyo ng mga bilihin at serbisyo.


Bunsod nito ay nananawagan si Brosas sa mamamayang Pilipino na manindigan at ipaglaban ang pangangailangan ng taumbayan sa ayuda sa gitna ng krisis at hindi Cha-Cha na para lang sa iilan.

Facebook Comments