Saturday, February 21, 2026

Mga mahilig mag-vandal sa mga pampublikong ari-arian, binalaan ng QC LGU

Mahigpit ang paalala ng Quezon City Government sa lahat ng mamamayan na ipinagbabawal ang anumang uri ng paninira o vandalism sa mga city bus at iba pang pampublikong ari-arian.

Ang pagsusulat, pagguhit, pagdikit ng sticker, o anumang paraan ng paninira sa mga pampublikong sasakyan ay labag sa batas.

Nagdudulot umano ito ng pinsala hindi lamang sa ari-arian ng lungsod kundi pati sa kaayusan, kalinisan, at kaligtasan ng komunidad.

Ang sinumang mahuhuling lumalabag ay aarestuhin at papanagutin alinsunod sa Revised Penal Code, Article 327 o 328 (Malicious Mischief), na may kaparusahang pagkakakulong na maaaring umabot ng hanggang anim (6) na taon, bukod pa sa kaukulang multa at iba pang pananagutan.

Facebook Comments