Manila, Philippines – Kinuwestiyon ng mga mahistrado ang umano’y pagmamadali ng kampo ni Sen. Leila De Lima na maiakyat sa kataas-taasang hukuman ang kasong inihain laban sa kanya ng Department of Justice (DOJ) na may kinalaman sa iligal na droga.
Gusto kasing kuwestiyunin ng kampo ng Senadora ang hurisdiksyon ng Muntinlupa Regional Trial Court branch 204 sa kasong inihain laban sa kanya.
Ayon kay Associate Justice Noel Tijam, ang pagmamadali ng kampo ni De Lima na umakyat sa Korte Suprema ay indikasyong hindi siya nagtitiwala sa magiging desisyon ni Judge Juanita Guerrero.
Anya, dapat sumunod ang kampo ni De Lima sa judicial process kabilang na ang doktrina laban sa forum shopping at pagsunod sa hierarchy of courts.
Sinabi din ni Associate Justice Marvic Leonen, na hindi dahilan ang pagiging popular ng isang indibidwal para gumawa ng shortcut sa legal procedure.
Facebook Comments