Mga mahuhuling Chinese spy, madadagdagan pa — National Security Council

Inanunsyo ng National Security Council (NSC) na posibleng madadagdagan pa ang mga naaarestong Chinese spy sa bansa.

Sa isang news forum sa Quezon City, sinabi ni NSC Assistant Director General Jonathan Malaya na sa ngayon ay may iba pang mga espiya ang kanilang iniimbestigahan.

Tiniyak din ni Malaya na nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon sa kaso ng inarestong Chinese national na si Deng.


Ani Malaya, matibay ang kanilang ebidensiya laban kay Deng Yuanqing.

Sa ngayon, hindi pa ito maaaring maisapubliko dahil nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon.

Sinusuri pa nila ngayon ang modified technology na nakumpiska mula kay Deng.

Nagpaalala naman si Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Francel Margareth Padilla-Taborlupa sa publiko na maging mapanuri at mapagbantay at iwasan na makadagdag sa xenophobia sa bansa.

Facebook Comments