Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na makukulong ng 10 hanggang 30 araw ang mga indibidwal na mahuhuling walang face masks.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, pinulong niya ang local chief executives at tinalakay ang pagkakaroon ng iisang polisya sa pagpaparusa ng mga lumalabag sa quarantine protocols.
Bukod dito, makukulong din ng 10 hanggang 30 araw ang mga lalabag sa physical distancing.
Posibleng aabot ng 1,000 hanggang 5,000 pesos ang multa.
Nabatid na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis na hulihin at ikulong ang mga hindi nagsusuot ng face mask sa gitna ng pandemya.
Facebook Comments