MGA MAINGAY NA MUFFLER, PINISON NI MAYOR

135

Bestfriend, nitong Lunes, ipinakita ng Lokal na gobyerno ng Lungsod ng Zamboanga ang pagkasira ng mga halo halong nakumpiskang bagay tulad ng mga 196 na muffler ng motor, 39 na video karera machines, at 1,339 na halo halong mga paputok. Ito ay ginawa matapos ang flag ceremony ng mga kawani ng gobyero sa harap ng City Hall. Ginamitan naman ng pison na minaneho mismo ni mayor Beng Climaco Salazar, alkalde ng nasabing syudad ang pagsira sa mga mga muffler, habang pinaghahampas naman ng pulisya gamit ang maso ang video karera at ang mga paputok na nakumpiska ay inilublob sa tubig. Ayon sa alkalde, ang pagsasaspubliko nito ay pagpapakita ng kanilang matigas na pagpapatupad ng batas laban sa mga nasabing bagay. Ikaw bestfriend, ano ang masasabi mo? 

Facebook Comments