MGA MAIS NA HINDI NAIBILAD , NASIRA

CAUAYAN CITY- Nasira ang ilang aning mais ng mga magsasaka sa Brgy. Union matapos ang naranasang pag-ulan at makulimlim na panahon sa mga nakalipas na araw sa Lungsod ng Cauayan.

Sa panayam ng IFM News Team kay Brgy. Kagawad Melvin Antonio, nasa 20%-30% ang tinamaan o nasirang mais sa kanilang barangay.

Aniya, tumubo na rin ang mga butil ng mais na natumba noong kasagsagan ng bagyo kung saan hindi na ito maaaring mapakinabangan.


Dagdag pa niya, matinding pagkalugi ang dulot nito sa mga magsasaka lalo na at hindi sila makapagbilad ngayon dahil sa panahon.

Kaugnay nito, nagkukulang din ng manpower ang naturang barangay kung saan maraming taniman ng mais ang hindi pa naaani dahil walang mahanap na mga mag-aani rito.

Samantala, nasa 17 pesos kada kilo naman ang bentahan ngayon ng dry na mais habang 10-11 pesos naman ang sariwa.

Facebook Comments