Mga major entry boarder ng bansa, dapat palakasin dahil sa Delta variant ayon kay Mayor Zamora

Naniniwala si San Juan City Mayor Francis Zamora na sa pagpapalakas ng mga major boarder control ng bansa ay makakatulong upang mapigilan ang pagdami pa ng Delta variant cases sa bansa.

Ayon kay Mayor Zamora, galing sa ibang bansa ang nasabing variant kaya naman mas mainam na ma-control ang mga papasok sa bansa gamit ang paliparan at pier.

Makatutulong din ang pagsasagawa ng genome sequencing ng Department of Health o DOH para maaga pa lang ay malaman na kung sino sa mga kasalukayang nasa active cases ang infected ng Delta variant.


Sa ngayon, aniya habang wala pang naiuulat na may COVID-19 Delta variant na sa lungsod, nakikipag-ugnayan na anya sila sa DOH para sa genome sequencing sa kanilang active cases.

Maliban dito, nakahanda na rin aniya ang mga hospital ng lungsod, kabilang na mga isolation facilities ng lungsod kung sakaling magkaroon ng kaso ng Delta variant ang lungsod.

Facebook Comments