Mga makakaliwang grupo, dapat ihinto ang kanilang pagsisinungaling – Malacañang

Dapat nang ihinto ng mga makakaliwang grupo ang kanilang pagsisinungaling hinggil sa pagiging miyembro nila sa local communist party at talikuran na ang armadong pakikibaka.

Ito ang hamon ng Malacañang kasabay ng pagdepensa sa pagbubunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa front organizations ng Communist Party of the Philippines New Peoples’ Army (CPP-NPA).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang pagiging miyembro sa communist party ay hindi isang krimen pero dapat nilang kondenahin ang mga karahasan at panggugulo ng NPA fighters.


Kinuwestyon din ni Roque kung bakit ayaw ng mga front organizations na punahin ang paggamit ng NPA ng dahas gayung nanalo sila sa party-list elections.

Iginiit din ni Roque na hindi masasampahan ng pamahalaan ang front groups ng communist party ng kasong sedition lalo na at decriminalized na ang subversion.

Facebook Comments